Sino kaya’ng bumibili ng basahan sa disoras ng gabi? Napakawirdo lang ng obserbasyon ko nang papauwi ako kanina (kanina dahil madaling araw na akong umuwi). Pagdaan ko sa McArthur Highway mula Monumento hanggang Potrero, napansin kong may mga nagtitinda ng basahan. As in kinakaway nila ito s mga sasakyan.
Hindi naman karamihan ang nakita ko pero hindi ko lang talaga makita iyong rason kung bakit sila nagtitinda sa ganung oras. At ang nakpagtataka pa dun, nakapuwesto sila ng di kalayuan sa isa’t isa. Siguro may mga 3 kanto ang pagitan nung 4 na tindero at tinderang nakita ko.
Madumi lang talaga siguro ang isip ko. Napaisip akong hindi kaya konektado ito sa pagbebenta ng aliw. Hindi mo naman ako masisising mag-isip ng ganito. Una, alanganing oras na nga eh. Ikaw ba eh bibili ng basahan at kakaririn ang paglilinis ng sasakyan mo ng mga 2am? Iyong mga taxi driver ang garahe nila eh between 4am-6am (dun sa malalaking taxi companies kung di ako nagkakamali), kung maglilinis man sila ng sasakyan nila, sa ganung oras ba sila bibili ng basahan oh kung kailangan nga ba nilang bumili basahan? Pangalawa, may pagka-alanganin at sadyang kaduda-duda.pagkakapwesto talaga nung mga nagtitinda. Pangatlo, mraming motel dun sa lugar.
Hmm… Baka naman wala sa hulog ang obserbasyon kong ito.
2 comments:
tama ang hinala mo. nung nagdidiyaryo pa ko may naka-usap kaming nagbebenta ng basahan para sa isang artikulo. front lang ang pagbebenta ng basahan. kung makabenta ng katawan bwenas pag binili pati yung basahan anak na siya ng diyos sa swerte
which is why it's better to have prostitution legalized. hindi na kailangang magtago sa likod ng mga basahan.
Post a Comment