Pages

Wednesday, September 10, 2008

Bonggang-Bongga

Madalas kong marining ang salitang ito. Minsan nababasa ko pa sa ilang mga blog posts. Nagusisa tuloy ako minsan sa estudyante ko. "Sino ba may pakana niyang salitang bonggang-bongga?" Sabay sagot sa akin,"Kay Amanpura po."

Wow sino si Amanpura? Yun pala, character siya sa Diyesebel. Ayan, minsan pala tama lang din iyong sumisilip-silip ka sa palabas sa TV ng di ka naman nagmumukhang tanga. Pero promise ang dami nilang gumagamit ng bonggang-bongga. Buti hindi pa ako masyado nahahawa, hanggang "bonnga" lang. Todo-todo ang madalas kong sabihin, ata.

4 comments:

jenpot said...

nyek e matagal na yang term na bongga di ba? panahon pa ni roderick paulate... tama ba? nyehehe!

alwaysanxious said...

yep ang bongga, luma na. pero iyong bonngang-bongga (na may ibang element sa pagdeliver) ay bago lang sa pandinig ko.

jenpot said...

ah... hindi kasi ako nanonood sa siyete. kapamilya ko e... for more kajologsan :P

alwaysanxious said...

ako, hindi nanonood ng TV :))