Pages

Thursday, April 10, 2008

Kung tutuusin...

... mahirap talagang maging babae.

Well, base lang naman ito sa buwanang sakripisyong dinaranas ng mga babae. Isipin niyo na lang,
"[PMS Symptoms] Such symptoms are usually predictable and occur regularly during the two weeks prior to menses.



Ilang linggo ba meron sa isang buwan? Merong higit-kumulang sa 4 na linggo. Kung 2 linggo bago magkaroon ang babae na kakaranas ng PMS ibig sabihin kalahating buwan eh may iniinda ng sakit. Ang malupit niyan:

The symptoms may vanish after the menstrual flow starts, but may continue even after the flow has begun.

Eh halimbawa na 5 days ka kung magkaroon? Lumalabas na humigit kumulang na isang linggo ka lang 'normal'?

Siyempre hindi naman sa lahat ng babae applicable ito. At saka siguro dun sa 3 weeks na iyon, meron lang peak days naman. At dun sa moments na iyon ang sobrang distubance.

Well, technically kung ganito ang monthly cycle ng babae, eh di kung tutuusin din ito na ang normal na kaganapan. Hindi siya madali, pero normal kaya kailangang masanay. Kaya lang described pa rin siya as disorder.

Normal Disorder?

picture from damegames.com

0 comments: