Pages

Friday, April 04, 2008

Bakit kaya...

... nauuso ang pagaampon?

Una si Claudine. Tapos si Juday din pala meron.

Hindi ko lang maintindihan iyong logic dito. Halimbawa na, gusto mo naman na palang magpalaki ng anak at may kapasidad kang gawin ito (dahil may pera ka at responsible enough) bakit kaya kakailanganin pa ang mag-ampon? Hindi ba't higit na magiging komplikado ang buhay kung ganun? Lalo't pag-dumating iyong pagkakataon na may sarili ka ng anak.

Hindi ko lang talaga maintindihan eh. Kung magpapalaki ka na rin lang tapos may plano ka namang mag-asawa (dahil may boyfriend ka), bakit hindi na lang totohanin (wow, parang title ng pelikula ito)?

2 comments:

missingpoints said...

Para hindi na magdagdag ng tao sa mundo?

alwaysanxious said...

Pero nagdagdag din naman si Claudine. Tapos si Judy Ann, may plano ring magkaroon ng sariling anak. So para hindi masyadong marami ang idagdag nilang tao sa mundo? :D