Natatawa na lang ako sa sarili ko. Nung nakakaraang linggo ay masyado kong pinapansin ang sobrang lamig. Hindi naman ako nagrereklamo dahil sa sobrang malamig (pero ayoko rin naman ng masyadong malamig dahil hindi maganda ang epekto nito sa aking kalusugan). Nagtataka lang ako na sobrang malamig pa rin kahit na Pebrero-Marso na at nanghihinayang din sa ideyang baka hindi masaya ang summer. Labo. At saka mas naappreciate ko ang mainit kaysa malamig dahil sa mga kung anu-anong sakit sa katawan.
Pero kahapon at ngayon ay nararamdaman ko na sobra ang init. Ang masama nito, ito'y nakakaapekto sa aking pagtatrabaho (Hindi ako makapagsulat ng matino maliban sa mga bagay na hindi naman masyadong importante tulad ng blog post na ito. Baliw talaga ako). Bilang isang freelancer/part-time whatever, madalas ay sa bahay ko ginagawa ang aking trabaho. May air-con naman dito pero sino ba namang matinong tao ang magbubukas ng aircon buong araw (kung di ka naman mayaman)? Kaya dinadaan ko na lang sa inom ng tubig na may yelo (nakakarami na ako actually). Ang sama pa nun di ka makapagkape na mainit kasi mainit na nga.
Ang solusyon, umalis ng maaga sa bahay at tumambay sa lugar kung saan libre ang aircon at wifi (technically, babayaran mo rin naman dahil manginginain ka rin naman). At umuwi kung pakulimlim na. Iwas lagkit at amoy lapis (magka-amoy ang monggol at taong amoy araw, i-try niyo). Mas matipid na rin kaysa magbayad ka ng dagdag sa kuryente. Maghanap lang ng lugar kung saan pwedeng tumambay ng matagal, iyong tahimik, at hindi kamahalan ang bayad. Matuto ring magpalipat-lipat. Halimbawa, sa first three hours dito ka next three hours sa kabila naman. Strategy lang iyan. Para hindi naman abusado ang dating mo. Siguro 300 (kung hindi ka naman makain) ang gawing maximum budget para dito. Pwede na siguro iyon. Hindi naman araw-araw eh. Tapos paminsan-minsan, okay lang din naman magpaka-sosyal. Pagkain naman iyon eh.
Libre naman ang wifi sa Araneta at Robinsons tapos may mangilan-ngilan din dun sa Trinoma so sapat lang. May mura rin namang matatambayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment