Pages

Thursday, December 27, 2007

Tuklaw

I thought I wouldn’t be able to write something on my blog today but the last story I heard this day deserves a post.

********

Me: Wala na ba masyadong ahas sa bahay niyo (kasi malapit sila sa bukid nakatira).

Friend: So far, wala naman sa ngayon.

Me: Eh di mainam. Nakakatakot kasi, delikado.

Friend: Hindi mo ba alam.

Me: Na?

Friend: Natuklaw na ako ng ahas nung bata ako.

Me: Ows, di nga?

Friend: Oo nga.

Me: Eh, ano’ng ginawa sa’yo?

Friend: Dinala ako sa Tuksa (not sure if I got the word right), sa Guiguinto (so I thought Tuksa is a barrio in Guiguinto, but it’s not). Iyong may kakabal na ahas.

Me: Ano? Kakambal na ahas.

Friend: Iyong Tuksa.

Me: Punyeta. Nangagago ka ba?

Friend: Sira, seryoso ako. Pinanganak siyang may kakambal na ahas. At mukha talaga siyang ahas.

Me: Di nga? (Sa utak ko, naisip ko ang “Kamandag”)

Friend: Oo. Ginamot ako nung tuksa. Nilawayan niya iyong natuklaw tapos dinasalan.

Me: Ows. Di ka dinala talaga sa ospital? Eh poisonous iyon dib a?

Friend: Hindi. Ginamot naman na nung Tuksa. At saka hindi naman siya tuklaw na tuklaw more of kagat.

Me: Sabagay, buhay ka pa naman. Pero putsa urban legend (Robinson’s urban legend, at saka Ano iyong palabas ni Snooky na may kakambal din na ahas?)

********

Wala akong masabi. Naiisip ko pa rin ngayon kung ano’ng hitsura ng Tuksa (if ever I got the term right). So kapag nakagat ako ng aso, magpapalaway ako sa kakambal ng aso na dapat tao? Shit. Non-sense.

2 comments:

missingpoints said...

Di ba yung tuklaw ay kagat ng ahas?

alwaysanxious said...

Oo nga ano. Baka naisip lang niya eh kapag kagat, mababaw at tuklaw ay seryosong kagat. Oh well. Malabo