Pages

Saturday, December 01, 2007

Sabi na kasi eh

Sabi na kasi eh. Ngayon kaya may pagsisising nararamdaman ang karamihan sa mga bumoto kay Trillanes?

Ang sarap pag-aralan kung ano’ng tumatakbo sa isip ni Trillanes. Marami kang mabubuong spekulasyon sa kung ano nga ba ang tunay na layunin ng taong ito.

  • Talaga bang ganun kaganda ang layunin ng taong ito para sa Pilipinas?
  • Eh bakit kailangan niyang mag-result sa ganung klaseng pamamaraan, again para mapansin?
  • Pinangarap kaya niyang maging artista, kaya gusto niya ng ganung aksyon?
  • O sadyang stupid lang siya?

Sawa na ang mga Pilipino sa ganitong pa-eklat. Sawa na tayo sa mga pa-effect at pa-drama para maisiwalat sa tao ang kanyang saloobin. Tang-ina naman, pangalawa na ito Antonio Trillanes. P

Naiintindihan naman nating may diprensya ang gobyernong ito. At nakakasura na rin naman talaga ang mga kahayukan at kawalanghiyaan ng karamihan sa mga nasa pwesto. Naniniwala naman akong lehitimo ang mga puna ni Trillanes sa gobyerno (kung saan ay kabilang na nga pala siya, btw). Ang mali lang ay ang mga wala sa hulog na pamamaraan tulad ng coup d’état sa hotel. Dumagdag lang kayo sa problema imbes na nakatulong.

Marami na ngang tao ang nagiging apathetic sa mga isyu tulad nito, lalo pa tuloy nawawalan ng gana ang mga taong noon ay wala ng pakialam. Dapat nga himukin natin ang mga tao na makibahagi (hindi sa ganyang pamamaraan). Give the people alternative ways to do their share. Politics isn’t the only way to make this country better. Putsa naman, kung puro tungkol sa politika ang kakaririn natin, ewan ko na lang talaga kung ano pa mangyayari sa atin.

Isa pa, ganun ba talaga katagal para hintayin ang 2010? Wala rin naman ganung kainam na alternatibong mapagpipilian (in fact kahit iyong sa 2010, nakakakaba pa rin naman)o kaya’y nakahain sa atin. Sablay din. Kaya nga’t mas mainam na pag-aralang mabuti ang magiging hakbangin sa darating na taon. Hindi iyong ganitong padalos-dalos.

Kung parati na lang ganito, pare-pareho lang tayong talo (siguro nga mas panalo pa rin si GMA niyan). Mas nakakainis iyon ‘di ba?

0 comments: