Wala lang. Naaliw lang ako sa ideya na pwede kang gumawa ng trabaho mo (raket for that matter) habang pumapatay ng oras (habang hinihintay mawala ang trapik). Nakakatuwa dahil libre ang wi-fi dito sa Araneta. Kung umuwi ka sa malayo na lugar tulad ko, mas mamabutihin mong tumambay muna sa kung saan upang maggawa ang ilan mong tasks at para pagdating mo sa bahay ay matutulog ka na lang. Medyo magastos nga lang. Pero, sa P145 pwede na rin.
Nakakatuwang isipin na nakakasabay na tayo talaga ngayon sa pag-angat ng teknolohiya.
So ngayon maliban sa Galleria at BK (kung saan man), may dagdag na sa listahan ko ng magandang pagtambayan. Mabuhay.
At teka, bakit bawal na magkuhaan ng picture dito? Weird. Iyong isang staff ng Starbucks (Gateway, loob), pinagbawalan itong mga bagets na katabi ko na magkuhaan ng litrato. Hmm, weird talaga. Securtiy purposes daw. Ha?
Back to work.

4 comments:
Oo nga. Di ko rin ma-gets yun. Pare-pareho lang naman halos ang itsura ng mga branches nila.
So lahat pala ng branches ganito ang rule. Akala ko sa Gateway lang, ngayon lang kasi ako naka-encounter ng ganun.
Nangyari din sa amin yun. Pinagbawalan kami ng guard magkuhaan ng picture sa loob kasi ang background namin ay yung shelf ng mga products na binebenta nila. Sabi ni Manong Guard, bawal magpicture kung yun ang background.
Kaya lang si manong guard, di mashadong friendly. Siguro dahil patapos na shift niya (madaling araw na kasi) tapos may mga pasaway pa. Kaya mejo nag-attitude siya sa amin ng sinabihan kami.
So tumawag ako sa Starbucks branch na iyon at kinausap ko ang manager kinabukasan. Sinabi ko ang attitude ni Manong Guard ay di akma sa friendly atmosphere ng kanilang shop. Sinabi ko na di na namin piniling umeksena kagabi kaya dinaan ko na lang sa phone. At pagsabihan si Manong Guard.
Natapos ang usapan, pinapabalik kami doon sa branch na iyon at ittreat daw kami ni Manager ng coffee of our choice.
Ang haba.
^haha so nakabalik ka na? :P na-treat na kayo?
Post a Comment