Pages

Saturday, December 22, 2007

MMFF 2007: Ano'ng dapat kong panoorin?

Nakakabawi lang ang Pelikulang Pilipino tuwing Pasko dahil sa Metro Manila Film Festival. Siyempre mahigit isang linggong (tama ba) walang foreign films na ipinapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas. Iniisip kong manood ng 1-2 pelikula sa MMFF upang suportahan naman ang Industriya ng Pelikulang Pilipino. Kaya lang hindi pa ko makapagdesisyon ano’ng dapat (o gusto) kong panoorin.

Enteng Kabisote 4

Wow! The legend continues talaga. Winner ka talaga bossing! The problem though… Ano naman kaya ang bagong mapupulot sa journey ng taga-lupa? Kahanga-hanga lang iyong ideya na kahit wala na iyong TV show (matagal na panahon ng wala) eh napagpapatuloy pa rin iyong kwento ng "Okay ka fairy ko" at kilala ito kahit nung mga batang hindi naman naabutan ang TV show na ito.

Pwedeng sigurong panoorin kung trip mong ilibre ang anak o kaya’y pamangkin mo.

Desperadas

Nakatawag pansin talaga sa akin ang “Desperadas” (maliban sa masyadong malaking billboard nito sa EDSA Q Ave courtesy of MET TATHIONE). Pagkakita ko ng billboard ay naalala ko bigla ang pelikulang “Working Girls” (Rio Locsin, Carmi Martin, etc.). Siguro dahil na rin sa alam mo agad na issue ng mga babae ang tatalakayin dito. At iyong “Working Girls’ ay nagpapakita rin ng desperasyon ng mga babae. Wala lang. Well actually, kung sa foreign TV show mo siya ikukumpara, ang dating niya ay mix of Sex in the City at Desperate Housewives. Talagang na-associate ko lang talaga siya. Mukha naman siyang okay at nandun si Iza Calzado. Baka pwedeng panoorin ito.

Katas ng Saudi

So nag-aartista na rin si Adel Tamano? Hmmm…. Hmmm… Hmmm… 2010. Yun lang.

Ekis ito.


Bahay Kubo

"Pinoy Mano Po" naman daw ngayon...

Mukhang okay ito. Kakaiba ang premise. And since its Christmas, sakto naman kahit papaano ang pelikulang tumatalakay sa pamilya. Pwede siguro. Mahusay na artista si Maricel Soriano so hindi malayong madadala rin niya ang pelikula.

Banal

Interesante. Iikot daw ito sa assassination plot ni Pope John Paul II. See synopsis here. Video here.

Anak ng Kumander

Ayoko nang magpaliwanag. Ayoko nang mag-isip. Ekis.

Sakal, Sakali, Saklolo


Feel good. Mukhang masayang panoorin (comedy nga eh). Ayos sa mga bagong kasal at bagong nagpapamilya siguro. Pero parang walang bago.

Shake, Rattle, & Roll

Institusyon na ito sa MMFF eh. Sana lang may bago. Sana kasing nakakatakot nung SRR na nadun (Part I ata iyon) Charito Solis at Herbert Bautista.

Nakalalamang na Banal, Bahay Kubo, at Enteng Kabisote (dahil sa pamangkin) ang papanoorin ko.

2 comments:

missingpoints said...

Resiklo!

Niresiklong mga ideya mula sa Mad Max, Transformers, at Battlefield Earth.

alwaysanxious said...

Literally.