Pages

Sunday, September 09, 2007

Sa Kasalukuyang Panahon...

... Eto ang tahimik at walang "kabuhay-buhay" na Baywalk.

Oo nga't malinis siya at kaaya-aya sa mata, pero isipin na lang natin kung gaano karaming tao ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkakabaklas ng mga establishments dito. At iyong kawalan ng interes ng ibang tao na mamasyal pa sa Maynila ay isa malaking epekto rin nito.
Hindi ko rin alam kung nakataon lang na hindi gumgana itong tawiran sa Rajah Sulayman patawid ng Baywalk o talagang sinadya na itong ganito. Mahirap makipagpatintero sa mga sasakyan. Maghihintay kang mawala lahat ng mga sasakyan ng matagal na oras o kaya ay lalakasa mo na lang ang loob mo na parahin ang mga rumaragasang sasakyan.



Sa paglalakad-lakad ko nung Biyernes sa Baywalk ay may nakita akong mama na nakahuli ng ayungin. Sayang at hindi ko nakuhaan ng litrato iyong pagkahuli niya (at iyong huli niya). Bigla ko tuloy naalala ang ang tula ni Pete Lacaba.

Paksiw na Ayungin by Jose F. Lacaba

Ganito ang pagkain ng paksiw na ayungin:
bunutin ang palikpik (para sa pusa iyan at ang matirang tinik),
at ilapat sa labi ang ulo, at sipsipin ang mga matang dilat:
pagkatapos ay mismong ang ulo ang sipsipin
hanggang sa maubos ang katas nito.
Saka mo umpisahan ang laman.

Unti-unti lang, dahan- dahan, at simutin nang
husto--kakaunti iyang ulam natin, mahirap humagilap ng ulam.
Damihan mo ang kanin, paglawain sa sabaw.
At huwag kang maangal.
payat man ang ayungin, pabigat din sa tiyan.


Pero alam niyo bang hindi lang ayungin ang maaaring mabingwit sa Manila Bay? Sa kabila ng maduming karagatan, aakalain mo bang may lapu-lapu pa rito?




Yun nga lang, dinadaing nila ito. Pakiwari ko kaya nila ito ginagawa ay para "ma-sanitize" o maaalis ang kung anumang bacteria na nasa isda.

3 comments:

jenpot said...

sadness naman ngayon sa Baywalk pero ngayon ko lang nalaman na pwede rin palang i-daing ang lapu-lapu. btw, meron akong isang taong naaalala sa tulang "paksiw na ayungin"... wala lang. wahahah!

alwaysanxious said...

Sino ang naaalala mo sa "paksiw na ayungin"? Kay ma'am Orante ito right? Malapit ba sa upuan ko iyong naaalala mo? HAHA

mutya said...

from a deeper thought..that poem PAKSIW NA AYUNGIN..its a message to the corporate owners..teaching them how to abuse employee resources to earn income..showing them their greed..all for the sake of money. pwe!