Iyan ang aking tinatak sa aking isip sa tuwing kakailanganin kong gumising ng alas kwatro ng madaling araw. Sinumang dumadaan sa NLEX ay malamang dumaranas din ng sakripisyong tulad nito. Ginagawa kasi ang NLEX at sa October 7 pa ata ito inaasahang matatapos. Sa kasamaang palad, wala ring ibang kalsadang maaring gamitin dahil ginagawa rin ang Tullahan Bridge sa Mc Arthur Highway.
Sa buhay, talagang kailangang ng sakripisyo. Hindi lahat ng bagay ay madaling makuha. Ang pagsasakripisyo ang magbibigay sa atin ng lakas, tapang, maging ng determinasyon upang ipagpatuloy ang buhay. Kaunting sakripisyo sa bawat bagay na ating ginagawa ay normal. Pasasaan din ba't matatanaw mo na ang ginhawa. 'Di lalaon at mararanasan mo na rin ang kaluwagan.
Katulad ng NLEX na ngayon ay nirerepair, ang buhay natin ay kailangan din nating ayusin paminsan-minsan (lalo't higit kung may mga lubak na ito). Kailangan natin ng kaunting sakripsyo upang mas mapabuti ito.
[Wala lang. Sabog lang. Isang handog sa mgataong mareklamong katulad ko. 7:30am, Starbucks Emerald, Habang naghihintay na magbukas ang office at habang nagchecheck ng test papers]

0 comments:
Post a Comment