Pages

Monday, July 16, 2007

La-ssshingggg

"Don't Drink and Drive"

Kung may patakarang nagbabawal sa mga nakainom (take note, nakainom lang) na mag-maneho ng sasakyan, hindi kaya pwedeng ipagbawal din ang pagsakay ng mga lasshiingg sa pampublikong sasakyan (specifically, sa Jeep, Bus, at MRT/LRT)? Napilitan akong umuwi ng medyo late na dahil sa dami ng trabahong dapat tapusin. Sanay naman akong bumyahe ng gabi (kahit madaling araw pa) pero kung galing sa opisinang pinagtatrabahuhan ko, madalas ay nag-aalangan akong umuwi ng gabi. Medyo liblib kasi ang lugar at bihira na ang tao. Madalas 4 na lang kayong sakay ng jeep. Dahil din maraming pub house sa lugar (as in marami), malaki rin ang tsansang nakainom o lasing ang kasabay mo.

Ano bang masama kung ang katabi mo ay lasing?

1. Dahil kadalasan ay wala na silang konsepto na nasa pampublikong lugar sila:

a. Bigla na lang silang humihilata (unconsciously?) dahil sa sobrang kalasingan.
b. Kung nakasabay mo naman ay sobrang daldal, wala na siyang gagawin kung hindi tumalak ng tumalak (na lahat ng words niya ay may "shhh" sa huling syllable). Tipong magtatanong na, "Ano bang biyahe ito?" kahit na mahigit 20 minutes na siyang nakasakay sa pampasaherong jeep. Nakaka-tempt tuloy sumagot na, "Biyaheng impyerno." Pero siyempre, bakit ka naman papatol sa lasing.

2. May mga pagkakakataong lumalabas ang "kamanyakan" ng mga tao (di ko lang alam if nag-aapply din ito sa mga babae) sa tuwing nalalasing. Malas mo na lang kung ang nakasabay mo ay may pagka-maniac na walang ginawa kung di tumingin sa lahat ng babae sa loob ng jeep.

Dahil sa mga napuna kong ito kaya ko naisip na bakit hindi na lang ipagbawal ang mga lasshhingg sa pampublikong sasakyan. Pero gaya nang nabanggit sa comment dito, "Paano sila uuwi?" Siyempre di naman sila pwedeng mag-teleport pabalik ng bahay nila. Alangan namang hindi na sila umuwi hannggang sa mahimasmasan sila. At saka kaya nga "public utility vehicle" ito, ibig sabihin, kahit sino ay may access dito (unless na lang kung wala kang pambayad at sobrang abala na ang ginagawa mo sa mga pasehero - yun nga lang since gabi na, karamihan sa driver hindi na ito papansinin dahil kailangan din nila ng kita).

Hindi ko rin dapat makalimutan na lahat tayo ay may kalayaang gawin ang bagay na makakapag-paligaya sa atin. Pero iyon nga lang, dapat sa tuwing magpapakasaya tayo at magpapakalasing (hindi ko pa nasusubukan ito), isaalalng-alang din natin iyong mga taong maaari ng maperhuwisyo.

In short, ang mga lasshinggg sa paligid ay bahagi na ng ating buhay. Kung paano tayo makakaiwas sa anumang pagkainis o masamang engkwentro sa kanila marahil ang ating dapat gawan ng paraan (Huwag umuwi ng gabi. Mag-taxi kung uuwi ng gabi. Kung walang pera ay mag-tiis).


O siya, lasshinggg na ko sa antok.

1 comments:

missingpoints said...

Paano sila uuwi?