Pages

Saturday, April 21, 2007

Ibalik ang Dangal ng Meycauayan

Simula nang nagkaisip ako, dalawang pangalan lang ang kinagisnan kong lumalaban sa pagka-Mayor - Alarilla at Blanco. Magbebente-kwatro na ako pero hanggang ngayon, buhay pa rin ang mga hinayupak na ito at patuloy pa rin ang pagtakbo (ngayon na lang, yung may bahay na ni Alarilla ang Kandidato dahil tapos na ang kanyang termino).

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng kanilang matagal na pamumuno (Alarilla at Blanco) tila walang pag-unlad na naganap sa aming bayan. Uso kasi talaga dito ang bata-bata system at masyado talagang gahaman sa pera ang mga nauupo dito. Lugmok sa pagkakautang ang aming bayan. Maging sariling monthly bill ng tubig ay hindi nababayaran.

Maliban diyan, marami ring mga naunsyameng investments ang mga malalaking kompanya sa aming bayan. Dapat magtatayo ng SM dito pero dahil sa kagahamanan ay hindi nasara ang deal at lumipat ang investor sa susunod na bayan. As a result, bumagsak ang industriya sa aming bayan. Wala na masyado namimili sa mga maliliit na supermarkets at mga "town centers" dahil pumupunta na lang sa SM sa kabilang bayan. Imbes din na magkaroon ng opportunidad na trabaho sa mga taga-Meycauayan, nawala rin ito.


Isinulong nila ang pagiging city ng aming lugar, nagkaroon ng plebwisito este plebisito. Nanalo ang Yes. Kapag naisulat na ang batas na nagagawad maging siyudad ang aming bayan, iniisip ko na ang sagwang makita na Meycauayan, City kami pero salat sa kaunlaran. Siguro isang bagay lang ang masasabi kong magandang nagawa ng nakaraang pamumuno, ang pagtatayo ng pampublikong kolehiyo.

Natutuwa ako ngayon dahil meron ng kumakalaban sa nakasanayang labanan sa pagkamayor sa aming bayan. Nabasa ko ang plataporma at ang mga profile ng kandidato sa partidong ito. Nakatutuwang makita na well-represented ang mga distrito/barangay. Competent din ang bawat kandidato sa kani-kanilang larangan na maaring makatulong sa ikabubuti ng bayan este siyudad. At may konsepto sila ng tunay na adbokasiya. Maliban dito, kapansin-pansin din ang magandang kombinasyon ng matanda at bata, bago at luma sa politika.


"Medium is the Message"
- Marshall McLuhan


Ang kanilang paggamit nang makabagong paraan upang makapaghatid ng mensahe ay patunay ng kanilang pagiging inobatibo at tunay na alternatibo para sa ikauunlad ng bayan ng Meycauayan.




*******
Kung tulad nila ang makakasama sa pamamahala, nakakaenganyong kumandidato.


2 comments:

CLENG said...

Does this mean that you also support Mish Maravilla for councilor?

I hope you do. She's smart, qualified (Pol sci grad from Ateneo), and a friend. :)

alwaysanxious said...

Cleng! Of course, she has my vote.Reading through her profile, she really seems smart and qualified. Hmmm... but she's a bit "showbiz" sa video. But that's understandable since she's a commercial model :)

P.S.
Vote for Sonia Roco :)