Isa sa mga kinatatakutan ko ay mapagbinangan kang gumawa ng isang masamang bagay. Pakiramdam ko kasi, mahihirapan akong magmukhang hindi guilty kung mapagbibintangan ako. Kahit na alam kong kaya kong dalhin ang sarili ko sa ganitong mga sitwasyon, meron pa ring pangamba sa aking puso.
Praning na kung praning pero kahit sa jeep, sinisigurado kong nakita ako ng driver na nag-abot ng pamasahe. Ayokong mapag-isipan ako na nang1-2-3 na kadalasan talagang nangyayari sa pampasaherong jeep. Ayoko lang kasi talaga mapagbintangan. Madaling ipaglaban kung na sa katwiran ka naman pero ayoko talagang ilagay ang sarili ko sa ganung sitwasyon.
Kanina sa Market! Market! nagulat ako nang biglang meron akong narinig na ingay, at iyak. Tapos, biglang may dumating pang maraming security guards. Kasama ng mga secu ang dalawang babae. Iyong isa, dada ng dada na wala siyang kasalanan. Iyong isa naman, nakakaawa kasi buntis siy at nag-iiiyak na wala silang kinukuha. Nalaman ko (ay usisera), na pinagbibintangan silang kasama nung isang tao na tumangay ng ilang paninda doon sa tiangge.
Naisip ko tuloy bigla, nakakaawa iyong buntis. Paano kung hindi talaga siya kasama nung mangungupit? Paano kung biglang mapahamak ang dinadala niyang sagol (kasi, nagrereklamo na siyang sumasakit ang kanyang tiyan)? Naisip ko rin naman, paano kung totoong kasama sila nung nandekwat? Nakakalngkot naman na sa kanyang kalagayan, nakuha pa niyang manlinlang ng kapwa.

0 comments:
Post a Comment