Pages

Friday, March 02, 2007

Pangangarap at Pag-unlad

Sino ba namang tao ang hindi mangangarap na umunlad? Sa bawat araw na iyong ginugugol sa pagtatrabaho, ano nga ba ang dahilan na lahat? Sapat na ba ang kumita upang mabuhay? Sapat na ba ang magkaroon ng pera upang ipambili ng mga pangangailangan magin ng ilang mga luho? Ano ba ang gusto nating mapala sa pagtatrabaho?

Nag-aral tayo nang mahabang taon upang magkaroon ng kaukulang kaalaman at kakayanang sumabak sa pagtatrabaho. Naghirap ang ating mga magulang upang matustusan ang ating pag-aaral. Hindi maipagkakaila na edukasyon pa rin ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na kailangan ng tao upang maabuti ang kanyang buhay.

Ngunit sa kalakaran ngayon, hindi sapat ang pagtatapos lang upang tuluyang mapaunlad ang sarili. Patuloy pa rin ang diskriminasyon at paniniwalang ang mga nakapagtapos lamang sa UP, DLSU, ADMU, at sa ilan pang kilala o kaya'y mamahaling paarala. Minsan kahit na honor student ka pa sa hindi masyadong kilalang paaralan ay mas pipiliin pa rin ang galing sa tanyag na unibersidad.

Naglilitanya ako dahil kanina lang ay nakita ko kung gaano kababa ang pagtingin ng isang kaopisna sa kanyang kakayanan dahil hindi siya natapos mula sa kilalang paaralan. Matagal na siyang encoder sa opisinang pinagtatrabahuhan ko. Karaniwan sa mga encoders ay nasa college level o kaya naman ay nakatapos ng two-year course. Sa aking obserbasyon, kayang-kaya na nila ang maging Research Analsyt dahil gamay na gamay na nila ang mga formula sa excel maging ang mga terminology at concept na ginagamit sa mga studies. Konting training lang ang kanilang kailangan sa pag-aanalyze.

Hindi ko natiis na tanungin siya. "Bakit hindi ka mag-apply as RA?" Ngumiti lang siya. "Nakatapos ka na ng college?" Sabi niya, "Opo, 4-year course po." Laking gulat ko bakit hindi siya nag-aapply as RA. ""Ha, eh bakit hindi ka mag-apply as RA. Eh, kayang-kaya mo na. Ang dami mo ng alam." Ngumiti ulit siya, sabay sabing, "Sa NCBA lang po ako natapos." [Hindi ko lang masabi, "eh sa NCBA din kaya nag-aral Tatay ko!"]

Nagtataka ako na kinakailangan pang mag-hire ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon sa labas kaysa kumuha sa mga encoders nila at i-train ang mga ito. Nagtataka ako na mas binibigyang prioridad nila ang tulad ko na wala naman masyadong alam sa pagprocess ng data gamit ang MS Excel. Kung ikukumpara ang kaalaman ko dun sa mga encoders, nakakahiya pero bokya ako. Ang bentahe ko lang siguro ay kakayanang umintindi ng mga research concepts.

Marami tuloy akong tanong. Marami akong hindi maintindihan. Bakit kailangang maging ganun kababa ang tingin mo sa sarili mo dahil sa hindi ka nakapagtapos sa sikat na paaralan? Magiging kontento ka na lang ba sa isang sitwasyon na inuutus-utusan ka at tinitingnan na mababa? Hahayaan mo na lang ba na patuloy kang na sa ibaba kung meron ka namang ipapakita?

Hindi sapat ang kumikita lang. Mas maganda ay marami kang natututunan at lumalaban ka upang makaangat sa kinalalagyan mo.

Mangarap. Magsumikap. Umunlad.

2 comments:

missingpoints said...

Kung matagal-tagal na siya sa trabaho, experience at hindi na kolehiyo ang mahalaga. Importante lang ang pinanggalingan sa hiring kung wala kang ibang basehan ng desisyon. Sa kaso niya, hindi na naman siguro issue yun.

alwaysanxious said...

Dapat talaga hindi na issue iyon. Pero talagang alanganin siya sa kanyang kakayanan dahil sa paaralan niya. Di ko lang alam kung sinubukan niyang mag-apply at hindi siya tinanggap dahil dun. Di rin ako sigurado kung may nagmomotivate sa kanila na subukang mag-apply as regular employees (sa ahensya kasi sila galing).