Pages

Tuesday, November 14, 2006

Bakit hindi ko gets ang boxing?

Ilang araw na lang at lalabanang muli ni Pacquiao si Morales (kalalabas ko lang sa ospital nung huling laban nila kung hindi ako nagkakamali). Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung anong buti ang nagagawa ng isports na boxing. Naiintindihan kong halos lahat naman ng isports ay naglalagay sa bawat manlalaro sa panganib. Ngunit, hindi ko talaga maintindihan ang lohika ng larong boxing.

Di ko makuhang matuwa sa tuwing mananalo si Pacquiao. Sa totoo lang, hindi ako makapag-cheer ksai feeling ko di talaga makatao ang larong boxing. Hindi ko alam kung tama ang aking pananaw kasi ang daming tao ang pabor at lubos na sumusuporta sa larangang ito ng palakasan.

Ngayon, naguguluhan tuloy ako kung bakit sa kabila ng mga pasa, pilat, at sugat sa mukha ay katanggap-tanggap pa rin ang larong boxing sa marami. Basehan ba nang pagiging malakas ang may pinakamaraming suntok na ibinigay. Hindi ba’t meron na ring namatay sa isports na ito? Kadalasa’y hemorrhage ang sanhi ng kamatayan.

Hindi ko talaga maintindihan. Marahil mali ang pang-unawa ko sa laro. So sabihin ko na lang bang, go Manny?

*****

Ironically, gusto kong i-try ang boxing as a weight-training venture. Well, sinusubukan ko na nga sa bahay. Labo!

0 comments: