Pages

Sunday, September 03, 2006

Mga Napansin at Narinig

Noong nakaraang Sabado ay sumama ako sa aking Tatay at Nanay na umuwi ng probinsya (as if di ako sa probinsya nakatira sabihin na nating mas probinsya iyong pinuntahan namin) dahil namatay ang tiyahin ni Tatay. Malapit kami doon kahit papaano kasi matandang-dalaga siya.

Sa totoo lang, kaya ako sumama dahil gusto ko rin naman ipakita ang pakikisama. Siyempre, gusto ko rin mapahinga sa magulong buhay sa Maynila. Malapit lang kasi ang lugar na ito sa Tagaytay kaya gusto ko lang din makalanghap nang sariwang hangin at makasilip nang magagandang tanawin. Isa pa, masarap magbasa sa probinsya.

Habang halinhinan kong binabasa ang “Time Travelers” at “Marketing Essentials”, hindi ko maiwasang hindi mapansin at marinig ang mga nangyayari sa lamay (lamay pa rin ba ang tawag kahit umaga?). Kaya eto, nagawa ko silang isulat…

Mga Sugalero


“Tara, in-between tayo.”
“Ayoko ng lima-limag pisong taya. Pang-piso lang ako."
“Sa ‘O’ pangalan ng tao… Six-two.”


May Nagtitinda sa Patay?
“Bili na kayo ng pinipig!”

Si Lola (patay)…

Q: “Baket may pera sa kamay ni lola?”
A: “Para may panlagay na kay San Pedro!”

Sa Paligid…
Akala ko ang kuliglig ay humuhuni lamang sa gabi... Bakit may uliglig sa hapon? (as in 2pm)

Atbp…

“Wala pang isang buwan, sumunod ng magpakasal ang kapatid ko sa akin.” (therefore, hindi totoo ang SUKOB)

“Naku apo, pag nag-asawa ka dapat mayaman.”

“Nandyan ba iyong tatay? Naku dapat 500 meters away siya sa anak ko!”

"Hindi ako sumabay sa kanya, baka masalvage pa tayo. Di ba wanted iyon?"


Nakakatawa, baket nga ba tayo nakikipaglamay o dumadalaw sa patay?
Hmm… para magsugal, para magbasa, para makipagdaldalan…
Simple lang naman, para makiramay.

0 comments: