Pages

Thursday, August 03, 2006

Naka-drugs ka ba?

Napansin ko lang, baket kaya halos lahat ng jeep biyaheng SSS-Marikina to Stop and Shop ay parang addict?

Isipin mo, umagang-umaga, pagsakay mo ng jeep ay todong-todo na ang sounds sa loob nito. Wala namang masama sa rock music kung rock music nga talaga ang pinatutogtog. Pero minsan maging rock, hiphop, o kung anuman, todo pa rin ang sounds. Tila ikaw ay na sa loob ng bar o kaya ay nanonood ng konsyerto.

Naiintindihan ko, masarap ang may naririning na musika habang bumabiyahe. Pero, sa aking palaagay, ang napakalakas na sounds ay wala sa lugar sa isang pampasaherong jeep. Kahit pa ikatuwirang hindi maabala ang pagpara ng mga pasahero dahil may buzzer o kaya'y string upang bigyan ng signal ang driver na may bababa.

Pakiramdam ko tuloy kapag sumasakay ako sa mga ganitong jeep, na sa isang session ako o kaya'y kagagaling ko lang sa session at ang mga tao'y nagtritrip.

Bossing, naka-drugs ka ba?

5 comments:

jenpot said...

naku, "patok" jeep ang tawag sa mag 'yan. ewan ko kung bakit pero yan talaga ang uso sa mga biyaheng marikina. kainis nga e no, hindi kayo magkakarinigan sa loob dahil sa lakas ng sounds... har har har

missingpoints said...

Buti nga sana kung rock at hiphop, at least bagay na malakas. Ang nakakainis pag nakatodo yung volume pero "Love Radio" yung sounds.

Kailangan pa bang i-memorize yan? :)

alwaysanxious said...

potchipotch: Nice one "patok" hehehe. Nakalimutan kong banggitin na sabay ng malakas na tugtog ay ang mala space shuttle ride sa "patok" jeeps.
BTW, may kapatid pala si "patok" jeep. Si "patok" motor bike hahahaha! Iyong mga scooters or motorcycles na may stereo pa! Ang tindi!

missingpoints: Panalo! Ang malupet niyan kung pagsakay mo, saktong program na ng "balasubas at balahura." kukurukuku! Ayos! Hehehe

missingpoints said...

^ I've met them at an event (GBOB yata). Akalain mo bang Assumptionista si Nicole Ayala. :D

alwaysanxious said...

Talaga? Astig! Nakakaintriga tuloy kung anong itsura niya...

Assumptionista=pretty and sosyalera girls