Pages

Thursday, July 27, 2006

Ganti ng Kalikasan?

Habang nakasakay sa tricycle...
Mother: Anak magkanong ibabayad natin?
Lalah: Magkano bang bayad sa bangka kada tao?
***********************************************************

Ikatlong araw na ng malaking penitensya naming buong pamilya sa tuwing kami ay lalabas ng bahay patungo sa trabaho o paaralan (sa kaso ng aking mga kapatid). Kasabay ng bagyong si Glenda (Gloria sa totoong buhay) ay nagmistulang ilog ang aming barangay (Salamat na lang at hindi umabot sa loob ng bahay ang tubig hanggang garahe lang).
Dati-rati'y nararanasan lang namin ang ganitong pagbabaha kung talagang merong super bagyo. Talaga sigurong sirang-sira na ang ating kalikasan kung kaya't tayo'y nagdudusa ng ganito. Sinabayan pa ng mga hindi katalinuhang pagpapataas ng ilang mga kalsada habang naiiwan ang ibang lugar na nananatiling mababa (kahit hindi ako engineer palagay ko may mali doon sa plano).

Ngayon, nagaalala ako kung ano pa ang mangyayari sa mga susunod na araw. Kasisimula pa lang ng panahon ng bagyo ngunit todo-todo na ang hirap na aming dinaranas. Ako'y higit na nagaalala sa mga darating pang taon. Baka maging dagat-dagatan na ang aming lugar. Huwag naman sana.

0 comments: