Carla Edeliza M. Varias
July 6, 2004
Inspirasyon ng may-akda: isang post sa PEX tungkol sa graduation speech alay sa mga bagsak
Masamang-masama ang loob ko nung grumadweyt ako. Taliwas na pakiramdam sa karamihan ng mga grumagradweyt. Masaya ako dahil sa wakas ay nasaksihan ko rin ang tagumpay mula sa pagsusumikap .Ngunit nalungkot ako ng makita ko ang ilang tao na kasabay kong nagtapos. Marahil ay iisipin ng iba na sakim masama ako.Naiinis ako dahil kasabay ko silang grumadweyt. Oo naiinis ako dahil sa tingin ko, hindi naging patas ang mundo. Tila higit ang aking iginugol na pag-aaral at pagpupursige kumpara sa mga taong ito subalit pantay lang kami- sabay lang kami natapos. Pwedeng sabihing magkaiba naman kami ng mga marka, ngunit hindi pa rin makatarungan yung ganon.Sabay pa rin kaming grumadweyt.
Akala ko'y nakalimutan ko na ang sentimyentong into. Mali pala ako, nandirito pa rin iyon sa aking puso. Minsan, nagkita kami nung kaklase ko sa kaleyds.Siyempre nagkuwentuhan kami. Nagbaliktanaw, at ayun napunta sa usapang gradweysyon. Ikwinento niya sa akin na iyong isa naming kaklase ay nahuli pala na nandaya.Yung ipinasa niyang senior paper (parang thesis) ay thesis pa ng ama niya.Nahuli siya na ang pinagmamalaki niyang likha ay hindi kanya kundi sa kanyang ama.Hindi ba't malaking ofens ang ganon? Pleydyarisim ay isa sa pinakagrabeng kawalanghiyang maaaring gawin ng isang estudyante. Pero nakapagtatakhang kasabay ko pa siyang grumadweyt gayong meron palang anumalya sa kanyang papers.Wala, hinayaan na lang ng ilan sa aking mga guro na ganon ang nangyari. Hinayaan na lang nila ang mandarayang iyon na makagradweyt. Pero to be fair, hindi ko pa naman nasisigurong totoo nga ang nasagap kong balita. Gayunpaman ay malaki ang tsansang totoo ito (kung pagbabasehan ang pagkatao niya may siyang kapasidad siya na gawin iyon). Nakakalungkot at nakawawalang-gana ang mga pangyayari. Hindi ko malubos maisip na kung totoo man ang kwentong iyon, bakit hinayaan na lang ng aking mga guro na hindi siya maparusahan. Lubos na pandaraya ang kanyang ginawa. Isipin na lang na habang ang lahat ay hindi na halos matulog sa pagawa ng paper, siya nama'y naghalungkat lang sa aparador ng kanyang ama. Nakakapangigil talaga.
Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya ngayon.Marahil nag-aaral na siya ng abugasya (ngunit duda ako kung sa isang prestihiyosong law school siya nag-aaral). Hindi naman siya bobo, tamad siya, walang kusang-palo. Dapat hindi na maulit ang ganon. Kaya lang, kahit maging abogado siya, di ko siya kukunin, simula pa lang nandaya na. Ano pa kaya sa huli?
Tuesday, August 03, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment