Posted at 03:36 pm, 12 Oct 2003
Bakit kaya ang mga tao sa mundong ito ay masyadong naiintriga sa buhay pag-ibig ng kapwa nila? Tila ba hindi kumpleto ang araw ng isang Juan o Juana kapag hindi napaproon ang takbo nang kwentuhan sa usaping love life. Tipong pinag-uusapan iyong love life ng kakalse, kapitbahay, sarili niyang lovelife, o maging ang love life ng mga artista. Halimbawa na lang ay ang Kris at Joey love story na sinubaybayan ng milyong-milyong Pilipino. Hay! What a wonderful world ika nga. A world full of love.:)
Beinte anyos na ako. Nakagraduate na rin ako mula sa isang prestihiyosong pamantasan. HIndi pa nagkakaroon ng boyfriend. Oo! Tama ang narinig mo! Mula nang ipinanganak ako ay hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Kung itatanong mo kung bakit, simple lang naman ang sagot ko diyan. "Wala akong hilig." Malamang natatawa ka na ngayon sa sagot ko. Huwag kang mag-alala, ang dami ng tumawa sa sagot kong iyan. Sanay na sanay na ako. Ang hirap naman kasi sas mundong ito, kapag wala kang boyfriend o girlfirend eh kakaiba ka na. Lalo na pag maririnig nila na hindi ka ganoon kainteresado sa mga bagay na iyon. Alien ang dating mo sa kanila. (Baka kami pa ni Marvin o ni ET ang magkaintindihan.)
Naalala ko tuloy noong high school ako. Kulang na lang ay gilitan ako ngleeg ng mga kaibigan at kakalase ko para umamin ako kung sino ang crush ko. Sumasagot naman ako pag tinatanong ako pero di sila makontentol. Ayaw nilang maniwala na ang mga crushes ko ay sila Dingdong Dantes, Ryan Agoncillo, at Dominic Ochoa. Ay! At saka si Danilo Barrios pa pala. Anak ng tokwa! Ayaw talaga nilang tanggapin. Parang gusto nila kong sakalin. Eh, ano bang magagawa ko sa talagang sila ang gusto ko. Pakiramdam kasi ng mga kaibigan ko eh nang-gogoodtime lang ako. Pero hindi naman eh. Nagsasabi lang ako ng totoo. Katunayan nga noong nakita ko si Dingdong sa Megamall eh muntikan na akong himatayin. Ang nakatutuwa pa eh nung nakita ko siya 2nd time eh muntikan pa rin akong himatayin (sa Fontana naman iyon). Di pa ba patunay yun na crush ko siya? Hmmp! Labo talaga ng mga tao!
Dahil sa hindi makontento ang mga tao sa paligid ko eh kung anu-anong mga paratang ang naririnig ko. Nariyan na iyong man-hater daw ako. Ano naman ngayon kung man-hater ako? Nakamamatay ba iyon? Makululong ba ako kung sakali? Hindi naman ah! Kaya walang masama doon. Pero ang totoo, di naman ako man-hater. Nagkakataon lang na ang mga nakikilala kong man eh kahate-hate. *hagalpak*
Sa totoo lang, magaan pa iyong paratang na man-hater daw ako. Naalala ko tuloy yung kaibigan ko na nagtanong sa akin. Eto yung tanong na sobrang nakapagpaiyak sa akin. Tanungin ba naman ako kung tomboy daw ako. Huwag daw ako mag-alala kasi di naman daw makakalabas kung anuman daw ang magiging sagot ko (assuming siya na OO ang sagot ko). Bago ko nasagot ang tanong niya eh napaluha na lang ako. Alam mo yun, iyong luha ng mga artista na parang pinatakatan na ng eye-mo iyong mata. Sobrang awtomatik na tumulo noong ang luha ko. Nahirapan tuloy akong magpaliwanag. Hindi talaga kinaya ng powers ko eh. Para akong nasagasaan ng pison. Ang lupit talaga ng tanong! At eto ang mas matindi, lalaki iyong nagtanong. Dahil ba sa hindi ako palakwento tungkol sa lalaki at wala akong boyfriend eh nahusgahan na ko ng ganoon?;)
Monday, June 14, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
jossss ko.... true ka jan lalah.. meron tlgang mga taong gnyan... i feel ur angst annoyance etc.. kasi reaction ko yan pag meron nagtatanong sakin about my bestfriend na d pa nagkakaboyfrnd.. eh dii ako mega defend.. sabhin ko.. EH ANO BA MATAAS STANDARDS NYANN EEEhh..!! -- kweng
Post a Comment