Eto ang napapala ng taong bihirang-bihirang makapanood ng TV. Nakasakay ako sa FX at narinig kong tumtugtog ang "Siya na nga kaya." Siguradong-sigurado akong ang kantang ito ay bahagi ng musical na "Rama at Sita" (isa sa mga kantang gusto ko sa musical). Pero nagulat ako't iba ang kumakannta (at siyempre nagulat ako na pinatutugtog siya sa radyo).
Ginawa pala itong theme song ng "Dyesebel" (hindi pa ko nakakapanood ni isang episode nito ng buo, nakasilip siguro). Anyway, nakakatuwa lang na may gumamit ng kanta sa "Rama at Sita" pero bagets ang kumanta so parang hindi swak. Anyway, here are the two versions. One is by Chiqui Pineda (of course Lani has her version of this, too) and the new one is by Julie Ann of Sugarpop.
Thursday, July 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment