Pages

Wednesday, July 16, 2008

Nasa Kulay

Naranasan niyo na bang maramdamang ibang-iba ka sa mga mayayaman? Iyong tipong in"your face" iba ka?

Kung mapapadaan ka sa EDSA (nakaMRT) mapapansin mo iyong mga nakapilang trabahador na nakapila papasok sa Corinthian Garden. Well, sa mga ganitong exclusive na villages, todo-todo talaga ang higpit ng security. Dati nagpunta ako dun, wala akong sasakyan so kinailangan ko ring makipila ng ganun. Mararamdaman mo talaga iyong kinaiba mo.

Understandable naman dahil sobrang mayayaman ang nilalang sa lugar na ito. Naranasan ko na ring maramdamang iba ako sa kanila. Pero kung titignan mo sa ibang banda, may mga pagkakataong todo ang pagpapakita kinaiba ng mayaman sa pangkaraniwan at dun sa talagang mahirap (e.g. construction workers). May mga patakarang pinatutupad na parang lalong nakakapanliit sa mga mangaggawa. Halimbawa na lang iyong kwinento ng kaibigan ko.
Sabi niya sa Ayala Alabang, may uniform ang outsider. Orange kapag ka ikaw ay construction worker. At muntikan panga siyang madamay, ultimo tutor daw ay kailangang sumunod -- dilaw naman sila. Siyempre, hindi siya pumayag (maliban sa ayaw niyang magsuot ng dilaw) hindi niya makita iyong sense nito kasi meron naman silang ID. Ang offensive lang ng dating, "kinukulayan ang pagkatao" mo. Nakakadiscriminate. Meron naman sigurong ibang paraan para maging ayos ang siguridad sa village na hindi kailangang tinatapakan ng ganun (pinamumukha sa maliliit na maliit sila) ang workers.


Ang masama pa sa ganitong patakaran ay ang mga nagpapatupad na security guards. Mas masahol pa sila sa mayayaman, umaangas. May isang mama na naka red-orange daw (construction worker). Dahil hindi orange ang t-shirt niya (kasi nga raw red-orang), hindi siya pinayagang sumakay muli sa jeep para makapasok na sa village (fyi, nakabayad na ito ng pamasahe). So ang ibig sabihin nun ay hindi na rin siya nakapasok sa trabaho.

Isipin mo na lang, iyong t-shirt na iyon ay ginagamit lang nila pagpasok pero habang nagtatrabaho balik sa kung anuman ang ginagamit nilang damit. Di ko maintindihan bakit kailangang kulayan kung ano'ng social class ka nabibilang. Ang hirap lang kung mahirap ka ay lalo ka pang mamaliitin. Hindi ko alam kung masyado ang sensitibo, pero sana makaisip ng ibang paraan na hindi naman discriminatory.

1 comments:

ray john said...

parang yung mga nagpapauniporme sa mga kasama nila sa bahay. the typical uniform na may apron at kung ano man yung tela na nasa ulo nila.maraming ganun sa atc nakasunod sa mga amo nilang napakasarap ingudngod sa swelas ng sapatos ko