Pages

Saturday, June 28, 2008

Lokohan

"Huwag manloko ng kapwa Pilipino." - Manny Villar, radio public service announcement daw

Hindi raw premature campaigning ito. Sadyang public service lang. Naku naman.

1. Sinasabi nilang paraan lang daw ito ng kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko. Pero malaki ang kaibahan sa pagsasabi sa publiko na "kailangan ninyong malaman na merng ganitong batas" kaysa sa "ako ang gumawa ng ganitong batas.

2. Kung mapapansin ninyo, ang ilang mga secretaries ng iba't-ibang government agencies. Pero ang pinagkaiba nila sa mga nakikita natin ngayon tulad nung kay Villar eh wala namang mention ng ideya na sila ang may pakana ng lahat para mangyari ang isang bagay. Hindi nila pinapangalandakan ito. Sinasabi lang nila ang dapat gawin or kung anuman ang kasalukuyang proyekto ng nasabing ahensya. Halimbawa na lang ay ang mga public service advertisements ng DOH.

(Pero meron ding mangilan-ngilan na sumablay at nafocus dun sa tao at hindi sa project or campaign.)

3. Kung public service lang talaga ito at walang sinusulong na personal na interest, eh bakit kailangang isama pa iyong pagbibigay ng tulong pinansyal. Iba iyong natulungan ka ng batas sa natulungan ka ng tao.

Sino ngayon ang nanloloko?

0 comments: