Pages

Sunday, May 04, 2008

Pagdadalawang-isip

(01 May 08 , Thursday)

Naglalakad ako kanina hawak ang sukli na puro limang pisong barya. Ililipat ko sana ang mga ito sa aking coin purse at aksidenteng nalaglag ang isa at gumulong ito papalayo. Sinundan ko dahan-dahan sa pag-asang mapupulot ko ito sa kanyang pahinto. Ngunit hindi pa man ay pinulot na ito ng isang lalaki. Umaasa akongmagtatanong sya sa kanyang nasa likuran para alamimn kung sino ang may ari ng limang piso. Wala. Tumingin lang siya sa likot at tinignan lang niya iyong mga kasama sabay bulsa sa limang piso.

Natural nainis ako. pwede naman akong magsalita na akin ang limang piso kaso may kalayuan siya kaya magmumukha akong sumisigaw. Hinid ko na pinatangkaang bawiin.

Habang paaksya na ng hagdaan ay may mga batang nanililos. Hindi ito pinansin nung lalakeng dumkewat ng limang piso ko. Naisip ko talaga na sana inabot na lang niya iyong pera sa mga bata. Pero hindi.

Nung malayo na siya, halos 8-10 baitanga ang layo sa mga mga bata ay ibinato niy ang limang piso. Nakonsensya ito.

Ang tao ay parating nagdadalawang isip. Nagdadalawang isip gumawa ng mabuti at nagdadalawang isip gumawa ng masama. Minsan nga lang mas mabilis nakakapagdesisyon ang ilan na gumawa medyo hindi mabuti.

2 comments:

jenpot said...

amazing ang istoryang yan... pramis! ^_^v

alwaysanxious said...

Sana may naisip kong kuhaan ng video. Parang episode lang ng Noypi. :))