Matagal na ng huling beses akong nag ordinary na bus. Kanina ay sumakay kami ng biyaheng Navotas pa-EDSA Oridnary bus papuntang LRT 5th Avenue Station. Napakainit (bandang alas dos y medya ng hapon). Sa kalagitnaan ng init na iyon ay may sumakay na isang mama na may hawak na kahon (pangkoleksyon) at microphone (pang barker). Ngayon na lang ulit ako nakatapat ng welgista na sumasampa sa bus upang humingi ng kaunting tulong.
Magaling magsalita iyong mama. Talagang malalim ang tagalog at may pinaghuhugutan ang damdamin. Iyon nga lang, hindi k makita ang logic sa ginagawa nila. Nakikipaglaban daw sila sa mga ganid na kapitalista. Fine. Pero bakit mo inaaabala ang iyong kapwa. Ayos lang na i-educate sila sa iyong sitwasyon pero ibang bagay ang humingi ka ng tulong pinansyal. Hindi ba't kaysa sumasampa ka sa bus at isinisiwalat ang iyong sitwasyon sa mga tao, hindi kaya mas makakakbuti kung maghahanap ka ng ibang bagay na maaaring mapagkakitaan maliban sa paghingi ng limos?
Binigyan siya nung kasama ko. Oo naaawa ako,pero marami pa naman siyang pwedeng ibang gawin. At hindi ko nakikita ang logic talaga sa paghingi ng tulong pinansiyal. Walang masama sa pakikipaglaban para sa hustisya. Masama lang kung kinakasangkapan mo ang sitwasyong ito upang makalikom ng pera. Hindi ko alam kung para lang talaga ito sa kanilang kaso. Pero magkaganun man, parang sablay pa rin eh. Hindi ko alam baka masyado akong mapanghusga. Iniisip ko kasi kaysa talaga ganun, dapat naghahahanap sila ng matinong pangkabuhayan.
Saturday, March 29, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
At least iba naman yung "spin" niya. Nakakasawa na rin yung mga kumakanta. Pero sablay pa rin eh.
Iyong kumakanta, mas pasok kapag mag-papasko. So eto pwedeng buong taon pero sablay talaga. Nung late 90's meron ng ganito eh, nagbabalik.
Post a Comment