Pages

Saturday, March 22, 2008

Balik Tanaw

Nung bata ako, natatandaan ko na masira-sira ang bait namin ng aking pinsan tuwing Holy Week. Wala kasi kaming maggawa. Walang palabas sa TV. At halos mapudpod na rin ang daliri namin sa kakalaro ng Family Computer. Nakakatuwa, ngayon ay nagbago na talaga ang panahon. Sabado de Gloria pero bukas na ang mga malls. At eto na-eenjoy ang wifi sa gateway. Maliban dun ay may mapapanood ka na rin sa local channels na hindi puro tungkol sa kwento ng Diyos. Mahusay. Ang nakakalungkot lang eh wala palang MRT at LRT.

Progreso.

0 comments: