Pages

Monday, February 18, 2008

Nasa mukha mo…

… ang swerte?

(Comedy naman tayo ngayon)

Natawa lang ako kanina. Bago ako umalis ng bahay biglang nagkomento iyong kasama namin sa bahay:

"Ate Lals, masuwerte raw po kayo ngayong taon na ito."

Ako naman, "Ha, ano kamo?"

Sagot niya, "Square po kasi ang shape ng mukha niyo. Sabi kagabi sa TV (di ko alam kung saang TV show nila napulot) iyon daw pong square-shaped ang mukha, maswerte sa pera."

Ako naman ulit, "So saan naman daw ako mamalasin?"

Haha! Ang sarap maniwala. Pero haller, ano'ng kinalaman ng square-shaped kong mukha (in short, "mapanga") sa pagiging maswerte ko (kung sakali man). Walang koneksyon sa pagiging maswerte o malas ang kung ano'ng meron ka sa mukha mo (o sa katawan mo gaya ng balat daw) o kung ano'ng pampaswerte kuno ang meron ka. Di na kailangang pahabain, simpleng swerte ka lang or sadyang malas ka lang talaga.

Basta ang alam ko, kailangan kong pagsumikapan ang mga bagay-bagay para 'suwertehin' ako sa usaping kaperahan. At hindi dahil mapanga ako, eh sigurado na akong magiging mabuti ang pagdating ng pera sa akin sa 2008.

2 comments:

missingpoints said...

The only plausible explanation is if there's a trend in square faces, giving you an advantage in beauty contests or auditions.

Or a plague affecting round-faced people.

alwaysanxious said...

Dapat pala may qualifier, "suwerte ang square face kapag sasali sa contest." Hehe

Malabo ang plague kasi masuwerte rin daw iyong ibang shapes ng face in other aspects. Whatever. :D