Naisip ko lang na magkaroon ng blog entries patungkol sa aking mga karanasan sa aking halos araw-araw na pag-biyahe papuntang Maynila (parang ang layo masyado ng Meycauayan, hehe). Maraming mga magaganda, nakatutuwa, nakatatawa, nakaiinis na mga bagay-bagay ang makikita at mararanasan mo sa pag-biyahe araw-araw (bilang isang pashero). Maganda siguro kung ibahagi ang ilan sa mga ito; lalo na iyong mga nakatatawa.
Kaya asahan niyong paminsan-miinsan ay magkakaroon ng ganitong kwento ang blog na ito. Minsan ay may kababawan at patawa lang (oh kaya'y pilit nagpapatawa); pero pilit pa rin lalagyan ng kahalagahan. Minsan nama'y patungkol sa mga seryosong isyu ng mga commuters sa Pinas (para naman mas may kwenta).

Gusto ko rin kasing magsulat sa Filipino. Parang swak na swak sa temang ganito.
Mga Kwentong Pasahero Entry #1
Isang araw sa terminal ng FX to Ortigas sa Ilalim ng MRT North Station... Napakahaba ng pila. Siguro may kulang 200 ang pasahero nun. Masikip at dikit-dikit ang tao. May isang babaeng tumatalak sa kanyang cellphone.
Minsan ang sarap sumabat sa usapan ng may usapan lalo na't nasa publiko sila (at iyong tipong gusto mo lang mantrip dahil, wala kang magawa o naaabala ang ginagawa mo). Haha! May mga proper venue naman para pag-usapan ang mga ganitong bagay. Makakapaghintay naman ang pakikipagaway sa jowa over the phone sa isang less crowded na area, hindi ba?. Oh kaya naman ay hina-hinaan ang boses.
Bigla ko tuloy naalala iyong kaklase ko nung college na madalas kong nakakasabay umuwi. Mahilig iyong magkwento ng buhay-buhay niya (love life, pamilya, at kung anuman) kahit di kami ganun ka-close. So kinig lang ako (eh madaldal siya eh at wala naman akong choice). Medyo malakas ang boses niya (so medyo nakakahiya rin sa ibang pasahero).
Eto ang malupit, pagkatapos niyang magkwento bigla niyang sasabihing, "atin-atin lang ha." Eh pare ko, alam ko at alam na rin nilang lahat (referring to other passengers of LRT/FX).
"Kung hindi pa ako tumawag sa'yo hindi ko malalaman na dumating ka na. Bakit hindi mo sinabi sa'kin nadarating ka? Ano, para i-surprise ako? Sino sa atin ngayon ang nasuprise? Sana hindi na lang ako nag-leave last week. Bakit kailangang itago mo sa akin na uuwi ka na?"Sa isip ko: Actually, kami ang nasurprise. Ang ingay mo eh. Miss na sa public area ka kaya. Huwag masyadong mag-eskandalo. Alam na ng buong Ortigas community ang problema mo sa jowa mo. Kalma lang.
Sa isip ko: Naku miss, isa pa lang mangagancho ang jowa mo. Okay miss, alam na naming lahat na ang jowa mo ay manloloko. At neng, hindi mo ba pwedeng iwanan na iyan? Manloloko pala eh. So alam na rin naming nagpapaloko ka naman.
"Hindi mo pala talaga pinagawa iyong cellphone. Tumawag ako sa Nokia Repair Center pero hindi mo iniwan iyong cellphone dun. Ano na talaga nangyari. Ano na? Niloloko mo talaga ako. Ang daming beses mo na akong niloko"
"Ilang beses mo na akong niloko. Nung Father's day nasaan ka? Sino'ng kasama mo? Kasama mo iyong nanay ng mga anak mo?"Sa isip ko: Ting! Nanay ng mga anak niya! Secret lovers? Nakakarami na pala eh!!! At bakit naman patuloy ka pa ring nagpapaloko, hija?
"Late na late na ako. Tapos ganito ka pa. Ganito pa ang gagawin mo. Nakakainis."Sa isip ko: Miss lahat tayong nakapila dito ay late na late na.
Minsan ang sarap sumabat sa usapan ng may usapan lalo na't nasa publiko sila (at iyong tipong gusto mo lang mantrip dahil, wala kang magawa o naaabala ang ginagawa mo). Haha! May mga proper venue naman para pag-usapan ang mga ganitong bagay. Makakapaghintay naman ang pakikipagaway sa jowa over the phone sa isang less crowded na area, hindi ba?. Oh kaya naman ay hina-hinaan ang boses.
Bigla ko tuloy naalala iyong kaklase ko nung college na madalas kong nakakasabay umuwi. Mahilig iyong magkwento ng buhay-buhay niya (love life, pamilya, at kung anuman) kahit di kami ganun ka-close. So kinig lang ako (eh madaldal siya eh at wala naman akong choice). Medyo malakas ang boses niya (so medyo nakakahiya rin sa ibang pasahero).
Eto ang malupit, pagkatapos niyang magkwento bigla niyang sasabihing, "atin-atin lang ha." Eh pare ko, alam ko at alam na rin nilang lahat (referring to other passengers of LRT/FX).
0 comments:
Post a Comment