Pero sa totoo lang, mas marami sa mga lalaki ang mas duwag kaysa mga babae (Hindi ito sexist comment ha; pawang obserbasyon lang ang mga ito). Nawawala ang tapang ant kakisigan ng mga lalaki kapag humarap na sa doktor. Karamihan sa mga kamag-anak kong lalaki ay, takot sa doktor. Siguro nga hindi ito takot sa doktor eh. Ito ay takot na malamang sa kabila ng pagiging malakas ay may kahinaan din pala ang mga lalaki. May takot silang malaman na maaari rin silang magkasakit at humina.
Maraming mga lalaki ang ikinukubli ang nararamdamang sakit. Hindi nila ito sasabihin sa takot na makita ang kanilang kahinaan. Ayaw nilang magpadoktor at harapin ang kung anumang karamdamang meron sila. Tinitiis na lang nila ang sakit at hinahayaang lumala. Katulad ng aking ama. Sa kakatiis ng sakit at sa takot na pumunta sa doktor, hayun, hindi na makatayo at hindi makalakad. Ganyan ba ang tunay na katapangan?
Iyon na lang siguro ang kinabuti nang pagiging isang babae. Madaling ilabas kung anuman ang damdaming sinasaloob. Kapag may sakit na nararamdaman ay handang ikonsulta ito at handa ring marinig kung anuman ang kaukulang husga (kung pisikal na sakit ito ay ano ang medical findings; kung usaping buhay tulad ng career at puso ay kung ano ang resulta ng mga sariling desisyon).
Ang tunay na katapangan ay hindi nasusukat sa kalakasan ng katawan. Ito ay nasusukat sa pagharap sa kung anumang klaseng hamon sa buhay at pag-amin sa ating tunay na nararamdaman. At ang tunay na katapangan ay higit na mababanaag sa pagtanggap na bawat tao’y may kani-kaniyang kahinaan.
6 comments:
Di kaya takot din sa gastos iyan? :)
Haha! Isa sa posibilidad iyan. Nga naman, daang libo ang gastos kung operahin.
Pero, pakiramdam ko nananaig iyong takot sa kahinaan. Hmmm, tama bang hinala ko na maraming lalaki ang naduduwag na malamang sila'y mahina?
hindi ko rin sila maintindihan kung bakit ganun. may mga kakilala ako kahit hindi sila ang may sakit, ayaw samahan ang mga anak sa doktor o hospital. parang ganito yata, ayaw nilang makita yung paghihirap ng iba. something to that effect. in short, pinanghihina sila ng loob kapag ganun.
Ay totoo iyan. Noong naospital kami nung kapatid ko (dahil sa Dengue), hindi mo makikita ang tatay ko na magtatagal ng higit 1 oras sa ospital. Parang takot na takot sa kung anong mangyayari at hindi man lang magabayan iyong nanay ko (na kahit praning na praning na eh nagmamatapang magbantay).
As opposed to maramdaman nila ng unti-unti na humihina na sila? I don't think it's quite like that. I think it's a general, irrational fear of doctors in general.
Why do I have to think that it's more than just the fear of doctor? Oh, well.
Post a Comment