Sa mundong ito, pangangarap ang bumubuhay sa tao. Ito ang siyang nagbibigay dahilan sa bawat araw ng ating buhay. Dahil sa ating mga pangarap, tayo ay nagsusumikap. Simple lang naman ang dahilan, gusto natin na ang bawat pangarap na ating tinatanaw ay ating matatamasa. Alam naman nating lahat na walang mangyayari kung puro tayo pangarap lang. Kasabay ng bawat pangarap ay ang hakbang sa pagtupad nito.
Pero habang iniisip ang ganitong positibong pagtingin sa buhay, bigla na lang mamumutawi sa isip kung hanggang saan nga ba ang pangangarap? Paulit-ulit na ma-iisip. Paulit-ulit na itatanong sa sarili kung may hangganan nga ba ang pangangarap.
Bawat tao'y may kakayanang malaman ang kanyang limitasyon sa buhay. Subalit minsan, nagkakamali rin naman tayo sa pagsukat ng ating kakayanan. Minsan, higit pa pala sa inaakala natin ang kaya nating marating. Meron din namang pagkakataon na sumosobra tayo ng pagtantsa sa ating kakayanan. Kaya kung iisipin, mahirap talagang malaman kung kailan ba ang tamang panahon para sabihing, sapat na po. Kailan mo ba sasabihing malabong maabot mo ang pinaka-aasam na pangarap?
Siguro nga may hangganan ang bawat pangarap. Marahil maaring matapos ang isang pangarap - kapag sukdulan na talaga ang lahat ng ginawa mo pero lahat ng tila di naaayon sa iyo at umaayon na rin ang ibang tao na malabo na talaga ang pangarap na ito. Subalit marami pang ibang pangarap ang maaari mong pag-sumikapan. Ang tanging bagay na walang hangganan ay ang ideya na lahat tayo ay maaaring mangarap ng walang hanggan.
Walang hanggan ang pangangarap. Kasabay nang iyong pagsilang sa mundo, nabubuo ang pangarap. At sa iyong paglisan sa mundo, hindi naman magugunaw ang mga pangarap na ito. Maaaring maging inspirasyon ang pangarap mo sa ibang tao.

2 comments:
sabi nga sa kanta ng kamikazee (o narda yata, basta banda ^_^v), "libre lang mangarap, walang hanggan na paghiling. libre lang mangarap, managinip ka habang gising...". pangarap nga talaga ang nagpupush sa 'tin para mas maging meaningful ang ating existence sa mundong ito. kaya lang, merong talagang ibang tao na hanggang pangarap na lang dahil maswerte na sila kung makakain ng 2-3 beses na isang araw. haaayzz... pero sabi nga ni bea (PBB), 'follow your dream'. wala naman sigurong mawawala...
^Tama ka. Kamikazee nga ang kumanta. Pero pasensya na hindi ako nanonood ng PBB, though kilala ko ang pinsan ni Bea. Hahaha! Pero di pa rin ako makarelate.
Anyway, kung walang struggle walang saya. Kaya kahit hirap sila buhay, ang mahalaga pinapahalagahan nila ang buhay nila. At sana hindi pa rin nila kinakalimutang mangarap. Hindi dahil sa libre ito kung hindi dahil ito ang isa sa mga dahilan bakit tayo nabubuhay. Pag-huminto ka sa pangangarap, parang tinapos mo na rin ang buhay mo.
Hahaha, preacher daw ako. Epekto lang ito ng 5-day hibernation of sorts. :)
Post a Comment