Nagulat ako sa aking pagbabasa ng iba't-ibang blogs na hosted ng blogger. Napansin kong tagalog ang mga salita tulad ng said (ayon kay), comment (komento), at kung ano pa. Hindi ko alam kung may napindot akong kung ano o sadyang nag-automatic lang na maging tagalog ang settings kapag nadetect na ang server mo ay galing Pinas. Wala namang masama dun, pero kumbaga sa cellphone, di ba hindi rin naman natin isineset sa Filipino ang language nito (at maging ang dictionary) unless na lang malakas ang trip natin. Anyway, eto lang ang malupit na napansin ko sa pagkakatranslate. Utang na loob naman...
Sobrang literal translation:
Gibain ang mga comment? As in gibain? Sana, "itago ang mga comment" na lang. Hindi ba mas appropriate iyon.
Pero honestly, hindi ko makita iyong pakinabang ng pagtatranslate pa. Siguro mas applicable ito sa ibang mga bansa. At saka sana, kung magtatranslate lang, uwag naman iyong pilit. Hmm, word of the day, 'gibain ang mga comment.' Parang building lang.
At hindi lang itong gibain ang takaw pansin, marami pang panalong translation tulad ng preview: tingnang muli (hindi ba review iyon?)
3 comments:
Collapse
So appropriate ba talaga iyong 'gibain'? Kasi ang use ng 'collapse' dito ay to fold up. Pero pagsinabing 'gibain' ang ibig sabihin nito ay sirain di ba?
Kaya nga. Palagay ko 2nd or 3rd generation Pinoy lang ang pinagtanungan nila nyan (if at all).
Post a Comment