Pages

Saturday, March 31, 2007

Paano ba kinakain ang lugaw?

Malamang ginagamitan ito ng kutsara di ba? Pero nagulat ako nang makita ko ang isang food stall sa parking lot ng SM North, akala kok drinks lang ang ginagamitan ng straw. Hala, ini-istraw na rin pala ngayon ang lugaw.

Nakakadiri.

Naintindihan mo pa ang kanin na ginawang burger upang madaling kainin (ika nga, for people on the go). Pero ang lugaw na ginawang parang sago't gulaman (dahil may laman din naman ang lugaw tulad ng dinikdik na bawang at dahon ng sibuyas, minsan may kasama pang goto), ay kakaiba at parang hindi kanais-nais gawin. At saka, parang katamaran lang itinuturo nito. Wala namang mahirap kung kukutsarahin mo ang lugaw habang naglalakad ka (provided na nasa styro-cup ito nakalagay). Hindi rin naman siya masyadong tubig para madaling lumigwak tulad ng pangkaraniwang inumin.

Nandidiri lang talaga ako sa idea na hihititin mo ang lugaw.

4 comments:

jenpot said...

di ko rin ma-imagine ang sarili kong gamit ang straw para sa lugaw. kamusta naman 'yon? har har har.

alwaysanxious said...

Kamusta talaga. Ang salaula tignan.

Anonymous said...

baka naman yung pang zagu na straw ang gamit

alwaysanxious said...

Yun nga. Pero regardless kung anong klase ng straw, off pa rin. can you imagine yourself na sumisipsip naman ng noodles at soup?