Pages

Tuesday, March 13, 2007

Diskarte

Nagtatrabaho ako ngayon sa isang Snack Food Company. Sa mismong factory din nandun ang aming opisina. Dahil dito, araw-araw akong bumabyahe sa isang bukid sa siyudad (dahil QC pa rin naman siya). Di kaila na sa ganitong mga lugar ay tunay na payak ang pamumuhay ng mga tao. Marami rin ang mga kapos sa pera na naninirihan sa lugar. Isipin mo na lang na ang tricycle ay pinupuno hanggang limang tao (anim pa nga minsan) upang makatugon lang sa mura rin ang mga pagkain sa lugar. Tipong 15-20 pesos lang ay meron ka ng kanin at ulam.

Mababanaag mo rin ang kahirapan ng buhay sa mga taong nakakasabay sa pagbiyahe. Halimbawa na lamang, madalas kongnakakasabay pag-uwi ang mga elementary students nang isang pampublikong paaralan sa lugar. Maliban sa gusgusin at makaagawa pansing amoy araw, makikita mo rin ang kahirapan ng mga batang ito upang mairaos ang kanilang pag-aaral. Karamihan sa kanila ay walang pera para pampamasahe.

Nakakagulat na marinig ang ganitong mga kataga, "Joanne, magbabayad ka ba ng pamasahe." Nagulat talaga ako. Ngayon lang ako nakarinig nang ganitong klaseng usapan na tila isang malaking desisyon at hindi obligasyon ang pagbabayad ng pamasahe sa jeep. Nakatutuwang isipin na nagiging madiskarte ang mga bata upang maitaguyod nila ang kanilang pag-aaral. Subalit hindi magandang kalakhan nila nag ganitong klase ng pamumuhay.

Walang masama sa pagiging madiskarte upang maitaguyod ang sarili. Pero kung nakakaperwisyo naman tayo ng ibang tao, hindi na ata ito tama. Nagagawa nga ng mga batang ito na makapasok sa eskwela subalit naaabala naman nila ang hanap-buhay ng mga drivers. Sila kasi talaga ang pumupuno ng jeep at madalas, kalahati lang sa kanila ang nagbabayad. Sabagay, maiksi lang naman ang binabiyahe ng mga batang ito gayunpaman, palagay ko, nakakaabala pa rin sila.

Kung pagkakatandaan na nila ang ganitong gawi, hindi malayong matutunan nilang paigihin ang kanilang pamumuhay na hindi iniisip ang perwusyo o anumang hindi mabuting bagay na naidudulot nila sa kanilang kapwa.

*Pasensya na sa maling grammar at typo error, inaantok na kasi ako.

2 comments:

missingpoints said...

Ang masakit diyan yung iniisahan nilang driver, taga-public school din ang anak. Masarap sana kung nakakaisa sila sa mas mayaman sa kanila.

alwaysanxious said...

Tama ka diyan. Nakakaawa talaga iyong mga drivers, wala silang magawa. Kahit pa paulit-ulit silang magtanong kung sinong di pa nagbabayad, walang kibo ang mga bata.

Kung talagang hindi maiiwasang manlamang, dun na lang sana talaga sa nakakaangat sa'yo. Pero kadalasan, mahirap manlamang sa mas may kaya sa'yo.

Nakakalungkot.