Nakagawian na ng mga Pinoy na salubungin ang bagong taon sa pamamaaraang spektakyular. Taon-taon ay may mga pailaw, maiingay na tugtugin, at maiingay na paputok. Napakarami ng mga tao ang na-disgrasya ng dahil sa pagpapaputok subalit patuloy pa rin ang mga Pinoy sa pagpapaputok. Sa katunayan, naimbento pa ng mga malilikhaing Pinoy ang boga na sinasabing mas-safe gamitin kaysa sa mga paputok.
Hindi ko maintindihan kung bakit maraming nag-aaksaya ng pera sa pagbili ng paputok. Aminin natin maraming mga mahihirap na kababayan ang talaga namang nakukuha pang bumili ng paputok kaysa ilaan ang sobrang pera sa pagbili ng pakain. Marahil ito sa nakagawiang tradisyon ng mga Pilipino. Sinasabing ang pag-iingay, magarbong handaan, at pag-papailaw ay ilan lamang sa mga pamamaraan upang maging maswerte ang pagsalubong sa bagong taon. Para raw ito sa pagpapaalis ng malas.
Anak ng... Pagpapaalis ng malas? Daan-daang mga Pinoy ang sumisigaw ng "aray. huwag po!" sa tuwing bubuhusan ng panlinis ang kanilag sabog-sabog na mga kamay. Dahil ito lahat sa pagpapaputok. Dahil sa paniniwalang papalisin ng pagpapatok ang malas. Anak ng...
Napakarami nang naitalang mga kaso ng mga naputukan wala pa ang bagong taon. Marami ring mga sunog na naganap na ang tinuturong dahilan ay paputok. Marami nang nasaktan at nasugatan ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagpapaputok. Ipinagbabawal na rin ang boga ngunit marami pa rin ang ayaw magpapigil.
Ang nakapagdudulot ng hindi magandang pangyayari sa ating buhay ay ang kawalan ng disiplina. Masyadong naka-angkla ang karamihan sa atin sa mga tradisyon at paniniwala na napatunayan namang hindi nakapagdudulot ng kabutihan o nakapagpapaalis ng kamalasan. Kung tutuusin...
...Walang malas!

0 comments:
Post a Comment