Pages

Thursday, November 02, 2006

Luli-luli

... (sa tono ng lubi-lubi)


Oo, nakakatuwa na lumalabas na low-profile itong si Luli Arroyo considering na hindi siya nag-mamaganda sa pagpila sa mga public areas tulad nung sa airport. Pero... gusto kong sabihing naiinis ako!

Ang sa akin lang ay kung sa ibang tao ba nangyari ang ganito ay magkakaroon din ng ganitong aksyon sa Immigration?

Marami ng mga tao ang nabastos at nabaliwala ng mga tinaguriang lingkod-bayan (civil servants). Hindi lang sa immigration. Kahit saang kawanihan ng pamahalaan ay nagaganap ang ganitong pambabastos (e.g. sa LTO pagkuha mo ng lisensya).


Malas na nga lang at anak ng presidente ang nabastos. Hmmm... kung hindi ang anak ng presidente ang nabastos, ganito rin ba ang magiging aksyon ng mga opisyales? Maraming tao na ang nagrereklamo ng mga pambabastos ng mga lingkod-bayan pero sa aking pagkakaalam eto lang talaga iyong ganun ang atensyon na ibinigay.

Ang paggawad ba ng respeto ay base lamang sa posisyon ng tao sa lipunan? Porket ba hindi wala kang posisyon sa gobyerno ay ok lang na mabastos o hindi ka pahalagahan?

Kung napansin ni Luli na mali ang ginawa ng immigration officer sa pagpapasingit sa linya dun sa foreigner (sa pag-aakala ng mama na ordinaryong tao lamang itong si Luli), hindi kaya niya napansin na medyo sablay din ang pagbibigay ng sobrang importansya sa kanyang kaso? At medyo sablay din ang walang due process na pagkatanggal nitong bastos na immigration officer...

Wala lang... Naiinis lang ako...

6 comments:

Anonymous said...

ako rin . . . inis din ako!

Anonymous said...

Ang nakakainis ay yung pag-spin pa nila na marami raw ang natuwa kay Luli dahil hindi niya ginagamit ang impluwensiya niya bilang anak ng presidente.

jenpot said...

hindi ka naman galit niyan? ehehe. in fairness, nakakainis nga ang pagpapalaki sa isyu na matagal naman nang talamak pero ngayon lang aaksyunan dahil sa anak ng presidente ang nabastos. gulo yata ng komento ko. basta yun na yun.

alwaysanxious said...

milkphish: WELCOME... to Always Anxious! hehehe :))

missingpoints: may tama ka diyan! nabasa ko ang mga comments sa PEx re: Luli immigration incident, hay naku, ganyang ganyan ang lumalabas na pagtingin ng mga tao(para tuloy may PR person si luli dun).

potchipotch: mare, hindi naman galit, inis lang. may mga live interviews pa ang luli. off topic: hindi kaya nung nagsalita sa luli, biglang nalinawan ang immigration officer at naisip, si joyce jimenez ba ang narinig kong magsalita? :P wala lang

jenpot said...

wahaha! pramis! natawa ako. naalala ko si joyce jimenez sa pedro penduko. may scene dun na umiiyak siya dahil namatay anak niya. sakit sa tenga. ehehe

alwaysanxious said...

^ promise potchipotch, kaboses niya talaga. huwag mong tignan si luli pag nagsasalita siya, joyce na joyce.