Matagal-tagal na rin akong hindi nakakainom ng kahit anong alcoholic drink. Sa katagalan nga nito ay hindi ko na matandaan kung kailan iyong huling beses na ito. Sa kabila ng hindi ko pag-inom, nararanasan ko ngayon ang matinding hang-over at pagkalango. Pakiramdam ko ay daig ko pa ang lumaklak ng litro-litrong beer at sandumakmak na shot ng tequila. Ika-apat na araw na ngayon ng aking matinding pagpupuyat. Noong Sabado ay Linggo (0700) na ako nakatulog. Noong Linggo ay Lunes(0230) na ako nakatulog. Noong Lunes ay Martes (0400) na ako nakatulog. At noong Martes ay ngayong Miyerkules na ako matutulog (Kahit ata ang aking pagkakakapaliwanag ay malabo at nakakahilo). Sa tuwing gigising ay simula na ng penitensya. Maghapon na ang sakit ng ulo na napakahirap pawiin. Kahit maligo o uminom ng sandumakmak na kape at tubig ay parang hindi pa rin ako mahimasmasan.
Di tulad ng pagkalasing at hang-over na dulot ng pag-inom ng alak o beer, ang pagkalasing dahil sa kawalan ng tulog dulot ng maraming gawin ay mas masakit sa ulo at mas pamantagalan. Kapag kasi ng hang-over ka dahil sa pag-inom, ibig sabihin na-enjoy mo naman ang mga panahon habang umiinom ka. Kaiba sa walang tulog dahil sa maraming ginawa, pagod ang dahilan kung bakit hindi nakatulog at kung bakit may hang-over (kahit may adrenaline rush na nagbibigay ng high feeling). At kung tutuusin, mas mahaba-habang paghihintay ng pagakaalis ng anxiety ang may hang-over dahil sa puyat sa trabaho dahil kailangan pang intayin ang kalalabasan nang kanayang ginawa (malabo na ba akong kausap?).
Dahil sa pagod at hang-over na narararamdaman ko, natanong ko tuloy ang sarili ko kung bakit maraming tao ang mahilig mag-cram. Pakiramdam ko, wala akong pinagkatutunan. Kung babalikan ko iyong mga panahon na nag-aaral ako sa kolehiyo, maraming beses rin akong walang tulog, maraming beses rin akong parang asong nau-ulol sa paggawa ng mga proyekto at pagtapos ng mga research papers dahil malapit na ang pasahan. Nakakatawang isipin pero sa totoo lang, kung ginawa ko ng mas maaga ang mga tasks na ito eh hindi ko sana naranasan ang mga ganung pahirap (although, meron talagang mga assignments na kahit simulan mo ng maaga eh mapupuyat at mapupuyat ka dahil sa masyado itong mabusising gawin). Kaya lang, naisip ko iba rin iyong pakiramdam ng nagka-cram. Iba iyong feeling na nahaharass ka.
Nakatuwaan ko lang na ilista ang ilan sa mga dahilan kung bakit kadalasan ay nauuwi ako sa pagka-cram. Marahil ilan sa mga ito ay rason rin ninyo kung bakit tulad ko, may mga pagkakataon ding naghahabol kayo sa mga gawain.
1. Walang Sapat na Oras.
Kung nung kolehiyo na ang buhay ko lang ay pag-aaral mahirap na ang oras, paano pa nga ngayon na nag-aaral ako at nagtatrabaho (at gumagawa pa ng kung anu-anong raket sa buhay)? Hindi ko talaga maiwasang maghabol. Kung hindi man sa akin ang problema, may mga pagkakataon din kasing kailangan ng partner o kaya'y meron kang mga kagrupo sa school. Dahil sa karamihan (or lahat ata) ng aking mga kaklase ay may kani-kaniyang trabaho at ibang responsibilidad sa buhay, lalong mahirap humanap ng swak na oras at araw upang makagawa ng school projects. Madalas nauuwi ito sa mabilisang pagmemeet-division of work-at ayun naghahabol sa deadline.
2. Masarap ang feeling nang nagka-cram (masarap pero hindi masaya ha).
Hindi ko alam kung nararamdaman niyo din, pero alam mo iba iyong feeling talaga eh. Merong challenge -- anxiety, pressure, at the same time satisfaction. Adrenaline rush parati, parati kang high, parati kang sabog. Hindi mo na kakailanganing magdroga para marating iyong kakaibang level ng highness (mukhang high na high talaga ako).
3. Pagnapre-pressure, mas napapaigi ang pag-iisip (pero hindi sa lahat ng pagkakataon)
May mga nga pagkakataon na kapag nagka-cram ka ay mas nagiging matalim ang isip mo. Mas nagiging kritikal ka at mas napipilitang mag-isip ng may mga kwentang bagay sa mabilis na paraan. Dahil sa matinding pangangailangan, kailangan mong magin matalas at mabilis.
4. Wala lang. Petiks lang talaga.
Aaminin ko na rin, may mga pagkakataong gusto ko lang pumetiks (magpahinga) o kaya'y tinatamad na magsimula sa mga school works. Ayun, ang bagsak eh, mag-cram kapag ilang araw na lang ay deadline na.
Siyempre, hangga't maaari ay dapat maiwasan natin ang mag-cram. Minsan kasi kapag minalas ka at hindi mo naramdaman na masarap mag-cram at hindi naging matalas ang iyong isip dulot ng pressure, eh, mas malamang sa palpak ang kalalabasan ng trabaho mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging maganda ang kinalalabasan ng trabaho kapag nagmamadali. Minsan, basta mapuno na lang ang dapat mapuno ay kahit anong walang kakwenta-kwentang bagay ay ilalakip sa paper. O di kaya nama'y hindi na talaga pinaghuhusayan ang trabaho -- basta makapagpasa at makumpleto lang ang requirements.
Kagaya ngayon, malapit-lapit na akong matapos sa assigned part ko sa aming paper (pumepetiks lang ako sa pagsusulat sa blog, pampalipas sa sakit ng ulo). May mga pagkakataong naging matalas ako at meron din namang pagkakataong pinilit ko lang ang ilang bahagi para lang makumpleto. Kaya maliban sa hang-over na aking dinaranas, matagal-tagal pang kaba ang aking marararnasan. Marahil dalawang araw mula ngayon ay mawawala na ang pisikal na sakit ng ulo ko. Yun nga lang, sa araw na ng bigayan ng grades at saka lang tuluyang mawawala ang sakit ng ulo ko sa pag-aantay sa resulta ng aking konting kapabayaan (metaphorical na sakit ng ulo).
*o siya, balik sa pagka-cram*

0 comments:
Post a Comment